sir mr_kulafu, ask ko lng po paano po ba pra matanggal yung encumbered s CR, ble hulugan kc motor ko pero bayad na sya binigay sakin ung chattel mortgage pero nung nagpacanvass ako need ko pa magbayad ng P1K for chattel mortgage tas nasa P1700+ lhat babayaran ko wala pa dun ung s maglalakad. Tama lang po ba yun, ganun po talaga ang aabutin ng magagastos pagtatanggal ng encumbered?TIA
Ganito yan paps, sensya now lng ako nakapag on line. after na makuha mo yung Release of Chattel Mortgage mo, punta ka sa Register of Deeds na nakakasakop sa Distrito ng lugar nyo, babayaran mo pa muna yung pagkakarelese nyan, siguro, more or less 500 petot. then, kapag nakuha mo na yung Release of Chattel Mortgage at Resibong nung pinagbayaran mo sa kanila, yun ang Kailangan mo pagpapatanggal ng Encumbered sa CR ng motor mo.
Check mo yung CR mo, kung saan LTO Office issue yung CR mo ay don ka lng pwedeng magpatanggal ng Encumbrance sa CR mo. mura lng yan, 280 petot ang babayaran mo sa LTO, kaya lng lumaki siguro ng 1700+ yan, syempre... Alam mo na.. dami pagdadaanan ng papel mo kaya dami bibigyan.. para siguro hindi na rin busisiin ang papel mo..
kung gusto mo makatipid, personal ka na lang pumunta ng LTO..
eto mga Requirements mo..
Certificate of Registration(Original)
Official Receipt
Release of Chattel Mortgage and OR(yung pinagbayaran sa Register of Deeds) Original
Valid ID(photo copy, nung sino nakapangalan sa CR)
TIN(baka hanapin din)